Mas maraming pasahero ang inaasahang daragsa sa mga transport terminal tatlong araw bago mag-pasko.
Sinabi sa DWIZ ni Ramon Legaspi, General Manager ng Araneta Bus Terminal na handa ang kanilang terminal para sa bulto ng mga byahero, partikular ang mga last minute passenger.
Sa panig naman ng Ninoy Aquino International Airport, inihayag sa DWIZ ni Bryan Co, General Manager ng Manila International Airport Authority (MIAA), na malabong malampasan pero maaaring mapantayan ang pre-pandemic level sa dami ng mga pasahero. —sa panulat ni Hannah Oledan