Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa mga biyaherong namemeke ng COVID-19 test results partikular sa mga tourist spots.
Bukod sa PNP, inatasan din ni Pangulong Duterte ang Department of Tourism at lahat ng local government units na ipatupad ang mahigpit na protocols sa lokal na turismo.
Ayon sa Pangulo, hindi dapat matakot ang mga nasabing government agency na maghain ng kaso laban sa sinumang mamemeke ng COVID-19 tests. — Sa panulat ni Drew Nasino.