Pinapayuhan ng Department of Health (DOH) ang lahat ng mga inbound travelers o mga biyaherong papasok ng Pilipinas na dalawang beses na sumailalim COVID-19 test.
Ito ay upang matiyak na hindi sila nagtataglay o nahawaan ng coronavirus.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat sumailalim muli sa COVID-19 test ang mga biyahero, lima hanggang pitong araw matapos nilang dumating sa Pilipinas.
Aniya, ito ay kahit pa negatibo ang resulta ng kanilang naunang COVID-19 test bago bumalik ng bansa.
Paliwanag ni Vergeire, karaniwang pinakamataas ang viral load sa ika-lima o ika-pitong araw ng infection, may sintomas man asymptomatic ang pasyente, kaya ito aniya ang pinaka-angkop na panahon para mag-test.
Magugunitang, ilan sa mga nakasabay sa eroplano ng unang UK COVID-19 variant case sa Pilipinas ang kalauna’y nagpositibo sa virus, ilang araw matapos nilang dumating ng Pilipinas.