Lahat ng mga biyaherong papasok sa Pilipinas ay obligadong sumalang sa 14 na mandatory quarantine kahit pa nabakunahan ang mga ito kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque makaraang aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang bagong quarantine at health protocols para sa mga inbound travelers.
Batay sa IATF resolution, lahat ng mga biyahero ay kinakailangang sumalang sa sampung araw na quarantine sa isang pasilidad at pagkatapos nito ay sasailalim naman ito sa home quarantine sa loob ng apat na araw.
Giit ni Roque, kinakailangan ding magkaroon ng ugnayan sa lokal na pamahalaan para masigurado na nasusunod ang home quarantine sa natitirang apat na araw.
Maliban dito, obligado rin ang mga biyahero na sumalang sa RT-PCR test sa ikapitong araw nito sa bansa.