Tumanggi munang pangalanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang anim nilang miyembro na nasawi sa pagbagsak ng bagong biling blackhawk helicopter sa paligid ng Crow Valley malapit sa Clark Air Base, Pampanga kamakalawa ng gabi.
Ito’y para bigyang panahon muna ang pamilya ng 3 piloto at 3 crew members nito na 1 Lt.Col; 2 Major; 1 MSgt.; 1 TSgt. at isang Sgt. na maipagluksa ang pagpanaw ng kanilang ka-anak.
Kasunod nito, tiniyak ni AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana na maipaaabot sa pamilya ng mga nasawi ang naaangkop na tulong para sa kanila kasabay na rin ng pakikiramay ng Hukbong Sandatahan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsasawaga lamang ng night flight profeciency exercise ang mga tauhan ng Air Force para sa bagong helicopter nang mangyari ang insidente.
Dahil dito, ipinag-utos ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na grounded muna ang buong fleet ng kanilang Blackhawk utility helicopters ng Air Force habang gumugulong ang imbestigasyon.
Nagpapatuloy din ang ginagawang imbestigasyon maging ang search, rescue ad retrival operations para sa iba pang mga nasawi na pawang nagmula sa 205th Tactical Wing ng Air Force. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)