Natagpuan ang may 90 Milyong Pisong halaga ng cocaine sa baybayin ng Tiwi sa Albay.
Batay sa imbestigasyon, nakita ng mga mangingisdang sina Manuel Comota at Razel Bragais kahapon bandang alas 10:30 ng umaga ang may 18 brick ng cocaine na selyado ng packaging tape, naka-rubber bag at plastic, at nababalot ng lambat.
Ayon kay Chief Inspector Arthur Gomez ng Albay Police, posibleng bahagi ang mga nasabing cocaine ng nasamsam sa Samar noong 2009.
Matatandaang itinapon noon ng mga Chinese na drug suspect sa karagatan ng Samar ang halos 1,600 kilo ng ilegal na droga.
By: Avee Devierte