Pinakikilos ng isang mambabatas ang National Bureau of Investigation (NBI) at ang Philippine National Police (PNP) para habulin at aresrtuhin ang mga pekeng online seller.
Ayon kay House Asst./Majority Leader at Quezon City Representative Precious Hipolito – Castelo ay kasunod na rin ng paglutang ng mga bogus online seller na nananamantala ngayong COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Castelo, kadalasan aniyang ibinebenta ng mga pekeng online seller ang mga essential goods lalo na sa panahong ito tulad ng facemask, PPEs, at mga alcohol na kalauna’y scam pala.
Sa ilalim ng umiiral na Bayanihan to Heal as One Law, sinabi ni Castelo na binibigyang kapangyarihan ang law enforcers na dakpin ang mga nagbebenta ng peke at substandard na mga produkto.
Gayundin ang mga nagho-hoard, nagpapataw ng soba-sobrang presyo at nandaraya sa mga itinitinda nilang produktong lubhang kinakailangan sa mga panahong ito.