Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga botante na maging matalino sa pagpili ng mga ibobotong kandidato.
Gayundin, ang pumili ng mga mapagkakatiwalang pinuno na magsusulong sa pangangalaga sa karapatang pantao.
Kaugnay nito, hinikayat ng CHR ang lahat ng mga Pilipino, kabilang ang mga kabataan na makibahagi sa halalan at gamitin ang kanilang karapatan na bumoto.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, nangangahulugan ang mas maraming bilang ng mga bumoto ng mas malawak na pagrespeto sa karapatang pantao.
Aniya, ang halalan ay isang paraan ng pagpapanibago sa pag-asa ng mga Pilipino para sa mas mahusay na pamamahala at mas mabuting serbisyo ng gobyerno.