Tukoy na ng NBI ang mga boss ng pastillas scheme na bagong batch na kakasuhan nito sa Office of the Ombudsman.
Ayon kay Atty Emeterio Dongallo Jr. hepe ng NBI special action unit ibinunyag ng ikalawang whistleblower na may mga boss pa na sangkot subalit wala sa listahan ng mga ibinigay ng NBI.
Ang mga naturang boss anito ang nagbigay ng go signal para makapasok sa bansa ang mga Chinese national nang hindi sumusunod sa immigration process kapalit ng pera.
Una nang kinasuhan ng NBI ang 19 na immigration personnel matapos ibulgar ng immigration officer na si Allison Chiong ang pastillas scheme.