Nanawagan sa mga botante ang senatorial candidate mula sa Kapatiran party na si Atty. Alex Lacson, na maging mapanuri ngayong panahon ng kampanya para sa eleksyon 2022.
Ginawa ito ng Lacson kasabay ng unang araw ng pagsisimula na kampanya nitong Martes.
Ayon kay Lacson, ang pinakamatinding kalaban ngayong eleksyon ay ang maling impormasyon na kumakalat sa social media.
Posible kasing magdulot ng trahedya ang magpaniwala sa ganitong impormasyon.
Para kay Lacson, mas mabuting kunin ng mga botante ang impormasyon sa mga lehitimong “news organization” na may sinusunod na “ethics” at may accountability sa kanilang mga taga-subaybay.
Tatagal ang kampanya para sa halalan hanggang sa Mayo a-7 maliban lamang sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.