Posibleng madagdagan ng mahigit sa isang milyon ang bilang ng mga botante sa sandaling isagawa ang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa 2017.
Batay sa tala ng COMELEC mula July 15 hanggang 30, pumalo sa Tatlong milyon ang nagparehistro para sa barangay at SK elections na gaganapin sana sa Oktubre ng taong ito.
Karagdagan ito sa Apatnapung milyon na bumoto nuong Presidential elections nuong buwan ng Mayo mula sa mahigit Limamput apat na milyong registered voters.
At dahil hindi na matutuloy ang barangay at SK elections ngayong taon, muling bubuksan ng COMELEC ang voters registration sa buwan ng Oktubre.
By: Len Aguirre / Allan Francisco