Ikinatutuwa ng mga Bikolano ang pagtakbo sa halalan ng ilang personalidad na nagmumula sa rehiyon.
Ito’y matapos magdeklara ng kanilang kandidatura sa pagka-bise presidente sina Rep. Leni Robredo at Senators Chiz Escudero, Antonio Trillanes, at Alan Peter Cayetano.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe na dahil dito’y umaasa siya na iisipin ng bawat Bikolano kung ano ang makabubuti sa kanila at sa buong bansa.
Ayon kay Batocabe, dahil sa dami ng mga tatakbo sa Vice Presidential race na Bikolano ay tiyak na tataas ang “maturity” at “sophistication” ng mga botante sa Bicol Region.
“Kasi ngayon mag-iisip na po sila at hindi lang po sila boboto dahil Bikolano, at pag-iisipan din po nila kung ano ang integridad, ano ang kakayahan ano ang plataporma de gobyerno o ang programa ng kandidato sa Pangalawang Pangulo.” Pahayag ni Batocabe.
By Jelbert Perdez | Kasangga Mo Ang Langit