Isasapubliko ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw ang kabuuang bilang ng mga botanteng inalis na sa listahan para sa nalalapit na halalan sa Mayo a-9.
Sa pahayag ni Commissioner George Garcia, kabilang sa mga botanteng tinanggal ay mga de-activated na o yung matagal nang hindi nakaka-boto sa nakalipas na dalawang eleksyon.
Bukod pa diyan, inalis narin sa listahan ng komisyon ang mga botanteng nagpa-rehistro sa dalawa o higit pang mga lugar dahil maituturing itong election offense at maaari maharap sa pagkakakulong. —sa panulat ni Angelica Doctolero