Papayagan nang makaboto sa 2016 elections ang mga rehistradong botante na may incomplete at corrupted biometrics data.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesman James Jimenez, alinsunod ito sa COMELEC Resolution Number 10013 na nagsasabing hindi maaaring i-deactivate ang mga botanteng mayroong incomplete at corrupted biometrics data, sa halip ay payagang makaboto sa halalan sa susunod na taon.
Gayunman, sinabi ni Jimenez na hindi papayagang makaboto ang mga botanteng walang biometrics at tuluyan nang tatanggalin sa voter’s list.
By Meann Tanbio