Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na hindi pa otomatikong rehistrado bilang botante ang mga nagpasa ng aplikasyon para makaboto, sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa December 5.
Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, lahat ng kanilang natanggap na aplikasyon ay subject for approval pa lamang.
Maaari pa itong harangin ng Comelec hanggang July 28, 2022.
Itatakda ng Comelec ang pagdinig sa Agosto kung saan dito malalaman kung aaprubahan o hindi ang aplikasyon.
Matapos ang limang araw na aksyon sa aplikasyon, ipapaskil ng election registration board ang pangalan ng mga aplikante sa bawat City at Municipal Hall kasama ang desisyon dito ng Comelec.
Kahapon, nagtapos ang voters registration para sa BSKE kung saan halos 2.6 bagong botante ang nakapagrehistro.