Naniniwala ang political analyst na si Professor Ramon Casiple na nagbago na ang political system ng bansa matapos ang midterm elections.
Ayon kay Casiple, partikular na naapektuhan ang political dynasty lalo sa ilang lugar gaya sa mga lungsod ng Maynila, San Juan at Pasig maging sa ibang lalawigan.
Gayunman, hindi pa rin nag-ma-mature ang mga botante at hindi pa tuluyang nawawala ang dynasty system dahil napalitan lamang ng mga mas batang henerasyon ang ilan sa nanalong kandidato.
“Well to a certain extent, kasi nag iisip na eh lalo na tong pagpasok ng mga batang henerasyon ang nag isip pero kung sabihin mong maturity, in terms na naiintindihan na nila yung mga issue ng bansa, mukhang hindi pa. Mas personal parin. Hindi parin lahat nagbago. Pero kung titingnan mo itong nangyro kay Enrile, kay Jinggoy, kay Revilla, lahat sila dumausdos. Iibg sabihin niyan mga botante, marami narin ang ayaw.”
Samantala, kumbinsido si Casiple na ang pagiging artista pa rin ang nagpanalo muli kay Bong Revilla Jr sa senatorial race sa kabila ng kanyang nakabinbing kasong graft.
“Kaya lang sa case ni Revilla, mukhang nandiyan parin yung factor ng political based on movie.; Remember yung mga dati ring senador, kinapos lang pero muntikan siya. Malapit siya bingit.”
(Balitang Todong Lakas interview)