Pinaalalahanan ni Commission on Elections Chairman Andy Bautista ang mga botante na hindi pa nakakapag pa – biometrics o kaya at hindi pa updated ang voter registration, na mayroon nalang 40 araw para gawin ito.
Sinabi ni Bautista na maliban sa mga tanggapan ng COMELEC, maaari pa din magpa – biometrics, sa kanilang satellite offices sa malls.
Binigyang diin din ni Bautista na bagamat maaring mapag – biometrics sa malls, kailangang tiyakin na ang mall na pupuntahan ay sakop ng lugar kung saan unang nagpa rehistro ang botante.
“Walang forever, yung ating extension at saka yung validation ng biometrics, meron na lang po tayong 40 na araw. Kapag sa COMELEC office kayo, dito regular hours 8-5 every Monday to Saturday kapag sa malls, mall hours ,” paliwanag ni Bautista.
By: Katrina Valle | Karambola