Nakahanda na ang ilang mga botika na gagamitin bilang sites sa pag-roll out ng COVID-19 booster shots simula ngayong araw Enero a-20.
Kabilang sa mga lugar na gagamitin sa pagbabakuna ay ang Marikina, Pasig at Maynila na kayang mag-accommodate ng 100 hanggang 200 katao kada araw.
Gagawing waiting, registration, screening at vaccination area ang mga botika na may layuning mas mapadali ang pagbabakuna sa mga residente na hihingan ng QR code bago bakunahan.
Nagpaalala naman ang National Task Force Against COVID-19 na libre ang pagpapabakuna, dalhin lang ang vaccination card at valid ID.
Tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na sumailalim sa training ang lahat ng mga magbabakuna at mga magbabantay sa bakunahan sa mga botika. —sa panulat ni Angelica Doctolero