Eksaktong alas 6:00 ng umaga, nagbukas ang botohan sa lahat ng presinto sa iba’t ibang panig ng bansa.
Bago pa mag alas 6:00, marami na ang nakapila para maagang makaboto at hindi makipag sabayan sa pagdagsa ng mga tao.
Mahigit sa 61 milyong pilipino ang inaasahang boboto sa araw na ito para sa mga senador na u upo ng anim na taon at mga opisyal ng local government para sa susunod na tatlong taon.
12 puwesto sa senado ang pupunan, 243 puwesto sa Kamara, 61 sa partylist at mahigit sa 17,000 lokal na posisyon ang pagbobotohan ngayong araw na ito.
Mahigit sa 36,000 ang polling centers sa bansa at tatagal ang botohan hanggang alas 6:00 ng gabi.