Sasampahan na ng kaso ng Department of Interior and Local Government ang mga opisyal ng barangay na isinasangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Sa harap ito ng nalalapit na halalang pambarangay at pang sangguniang kabataan elections na gaganapin sa Mayo.
Ayon kay DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, pangunahing target nila sa paghahain ng kaso ang mga barangay officials na nasa drug watch list.
Magsisimula na pong magsampa ng kaso ang DILG sa mga barangay officials who are number one, in the drug watch list, and number two, who have failed to organize and execute the plans of BADAC (Barangay Anti-Drug Abuse Council). We just got the directive from OIC Sec. Eduardo Año to begin the filing of cases. Usec. Martin Diño of Barangay Operations and Asec. Echiverri who is handling the anti-drug campaign, they are the ones in charge in ensuring that cases will be filed against the barangay officials concerned. Pahayag ni Asec. Malaya