Pormal na iaanunsyo ni President-elect Rodrigo Duterte ang mga bubuo sa kanyang gabinete ngayong araw ng Martes.
Gagawin ni Duterte ang anunsyo mamayang alas-4:00 ng hapon sa Davao City.
Sa ngayon ay kailangang magtalaga ni Duterte ng mahigit sa 40 na posisyon sa gabinete.
Maliban sa mga inisyal na appointments ay ipakikilala ni Duterte ang mga uupo sa Departments of Defense; Interior and Local Government; Bureau of Customs, Philippine Drug Enforcement Agency; Bureau of Internal Revenue at Land Transportation Office.
By Mariboy Ysibido