Sapat pa ang supply at mababa pa ang presyo ng mga bulaklak mula sa La Trinidad, Benguet.
Ayon ito kay Andy Colte, Pangulo ng La Trinidad Cutflower Ornamental Growers Association sa gitna nang paghahanda nila sa nalalapit na Panagbenga Festival at Valentine’s Day.
Sinabi ni Colte na tataas lamang ang presyo ng mga bulaklak partikular na ang mga rosas sa susunod na buwan dahil sa Valentines at Panagbenga.
May ugnayan na aniya ang float makers sa grand float parade ng Panagbenga sa mga suking cutflower growers sa La Trinidad para sa supply ng bulaklak na kakailanganin ng mga ito.
Ang La Trinidad partikular na ang Barangay Bahong ay kinikilala bilang Rose Capital of the Philippines.
—-