Binabantayan din ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ang apat pang bulkan sa bansa.
Ito’y sa gitna ng nagpapatuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal na nagbubuga pa rin ng makapal na usok sa nakalipas na mga araw.
Batay sa datos ng Phivolcs, nakapagtala sila ng mahinang aktibidad sa mga Bulkang Pinatubo sa gitnang Luzon, Mayon at Bulusan sa Bicol at Kanlaon sa Negros Island.
Bagama’t pawang nasa level 1 ang alerto sa mga nabanggit na bulkan, pinag-iingat pa rin ng Phivolcs ang mga residenteng malapit dito na gawin ang ibayong pag-iingat sa posibilidad ng biglaang pagbuga ng usok mula sa bunganga ng mga ito.