Sisimulan na ng Inter-Agency Council for Traffic o IACT na tiketan ang mga bulok at mausok na jeepney sa kanilang ‘tanggal bulok, tanggal usok’ campaign.
Maliban sa tiket sa kanilang paglabag, kinakailangan din na magtungo sa Land Transporation Office o LTO ang mga mahuhuling jeepney upang sumailalim sa motor vehicle inspection system o MVIS.
Bahagi ito ng full implementation ng ‘tanggal bulok, tanggal usok’ campaign sa ilalim ng transport modernization program ng pamahalaan.
—-