Namemeligrong masibak sa serbisyo ang tatlong pulis na may ranggong superintendent o coronel gayundin ang may 60 hanggang 90 lower ranks.
Ito’y ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte ay dahil sa pagiging tiwali at gangster umano ng mga hindi niya pinangalanang mga pulis officials gayundin ng iba pang nakapasok lamang sa PNP dahil sa padrino.
Binigyang diin ng Pangulo sa kaniyang pagdalo sa kaarawan ni pambansang kamao Manny Pacquiao kahapon na inuumpisahan na niya ang paglilinis sa hanay ng pulisya at hindi siya magdadalawang isip na hiritan ang mga ito.
Nararapat na aniyang tanggalin ang mga bulok na pulis sa hanay nito dahil sanay na sila umano sa lahat ng kalokohan tulad ng panghoholdap at pagkakasangkot sa operasyon ng iligal na droga.