Iginiit ni Labor Secretary Silvestro Bello III na nakikisakay lamang ang mga bumabatikos sa bagong Overseas Filipino Workers ID kung saan makikita ang mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Bello, nais lamang sirain ng mga kritiko ang naturang proyekto kaya nakikisabay ang mga ito sa isyu at nagbibigay ng negatibong reaksyon.
Dagdag pa ni Bello, walang silang nakikitang problema sa disenyo ng I-DOLE dahil pabor ang mga OFW dito at sa katunayan ay nagpapasalamat pa ang mga ito.
Nauna nang sinabi ng DOLE na bukas silang i-‘redesign’ ang naturang ID ngunit sa ngayon ay oobserbahan muna nila ang reaksyon ng mga OFW at ang proseso ng paggawa at pamamahagi ng mga ito.
—-