Patuloy sa pagdagsa ang mga mamimili ng paputok sa Bocaue, Bulacan, 4 na araw bago ang bisperas ng bagong taon.
Kabilang sa mga mabenta ang iba’t ibang uri ng pailaw gaya ng “its showtime” na nasa P700 ang presyo kada piraso; P175 naman ang mga maliit na fountain kada pakete;
Mabibili naman sa P125 pataas ang 500 rounds ng sawa habang ang 1,000 rounds ay nasa P250 pataas depende sa klase;
P3 naman sa kada piraso ng kwitis at P2.50 sa whistle bomb.
Inaasahang tataas din ang presyo ng mga paputok at pailaw habang papalapit ang bisperas ng bagong taon.
Samantala, patuloy ang kampanya ng Philippine National Police laban sa mga illegal firecracker.
By: Drew Nacino