Umaabot sa 11K hanggang 14K ang average na bilang ng mga bumibisita sa Baguio City.
Matatandaang inalis na ng lokal na pamahalaan ang limitasyon nito sa bilang ng mga turista.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na layon nitong matukoy ang threshold ng bilang ng mga turistang dumarating sa summer capital ng bansa.
Kasalukuyang nakapailalim sa Alert level 1 ang Baguio City hanggang Marso 15.
Hindi namin nilalagyan ng cap para ma-determine nga namin yung treshold, titignan namin yung traffic situation namin, nung nagkaroon tayo ng long weekeend nung February 21, meron kaming isang araw na almost 20K ang umakyat na mga bisita pero nakita namin yung traffic manageable pa rin maski na nagkaroon ng congestion pero gumagalaw ang lighting capacity , second is tinitignan namin kung manageable ang mga tao sa mga places, malls, sa markets at sa parks and the third is yung air quality.
Nagbigay naman ng paalala ang alkalde sa mga nais bumisita sa kanilang lugar.
Remind ko lang po sa inyo na please lang po magregister po kayo sa visita.baguio.gov.ph at pag-akyat niyo po rito sa Baguio mas mabilis na po yung process po namin dito, tinry na po namin dito yung buong proseso dun sa 3 edge at the same time isa lang po ang aming strictly na ipinapatupad, mag-suot lang po kayo ng medical grade mask dito sa siyudad ng Baguio at iwasan po ninyo ang mag-suot ng cleft mask kasi may mga lugar talaga na hindi namin pinapayagan yung pagsusuot ng cleft mask, kaya sumunod lang po kayo at wala kayong magiging problema dito sa siyudad ng Baguio.