Umabot na sa 34,000 ang bumisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay sa Manila South Cemetery.
Batay ito sa huling monitoring kagabi ng operation Ligtas Undas ng SPD o Southern Police District.
Ayon kay SPD Spokersperson , Police Superintendent Jenny Tecson , posibleng madagdagan pa ang naturang bilang ngayong mismong araw ng mga patay.
Sinabi pa ni Tecson na wala pang naitatala ang SPD na insidente o mga nakawan sa Manila South cemetery.
Bagamat nanatiling payapa ang lugar , nakumpiska naman ang ilang ipinagbabawal na bagay sa sementeryo tulad ng ilang matatalim na bagay , speaker , alak at sigarilyo.
Nasa 81 PNP Personnel ang naka- deploy Manila South Cemetery upang magbigay seguridad sa publiko.
Umabot na sa mahigit 300,000 katao ang dumaragsa sa Manila North Cemetery ngayong Undas.
Ito, ayon kay Manila North Cemetery Administrator Daniel Tan, ay sa kabila ng pag-ulan simula kahapon.
Mayroon anyang mga tent na maaaring silungan at nasa isandaang e-tricycle na idineploy upang maghatid sa mga bibisita sa mga puntod patungo sa kanilang destinasyon sa sementeryo.
Mahigpit naman ang ipinatutupad na seguridad sa gate pa lamang ng norte at inaabisuhan ang mga magulang na suotan ng tagname at ID ang kanilang mga maliit na anak upang hindi maligaw.