Ibinabala ng mga transport group na posible pang mabawasan ang mga bumibyaheng Public Utility Vehicle dahilan upang mahirapan lalo ang mga commuter na makasakay.
Sa gitna ito ng walang prenong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Samahan ng mga Transport Operators ng Pilipinas Managing Director Juliet De Jesus, asahan pa sa mga susunod na araw o linggo ang kaunting bilang mga PUV partikular sa Metro Manila.
Ito, anya, ay kung magpapatuloy sa mga susunod na araw ang price increase sa krudo.
Iginiit ni De Jesus na dapat nang ikunsidera ng gobyerno ang suspensyon ng excise tax sa krudo o tanggalin ang value added tax at taripa sa naturang produkto.
Samantala, inihayag naman ni Alliance of Transport Operators and Drivers Association President Melencio “Boy” Vargas na hinihintay na lamang nila ang ikalawang bugso ng fuel subsidies upang makabiyahe ang iba pa nilang miyembro.