Libo-libong katao ang napagsaraduhan ng Manila North Cemetery matapos dumating nang alanganing oras at magbitbit ng mga ipinagbabawal na bagay.
Kabilang sa mga pinagbawalang makapasok ang mga may kasamang batang edad 12 pababa, alagang aso at bitbit na pagkain.
Dismayado naman ang ilang nagtungo sa naturang sementeryo.
Ayon sa pamunuan ng Norte, inaasahang dodoble pa ang bilang ng mga bibisita ngayong araw, Todos los Santos at bukas o sa mismong araw ng mga patay.
Batay sa abiso ng Manila North Cemetery, pinapayagan lamang ang pagbisita sa campo santo hanggang ala-5 ng hapon. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla