Hinihikayat ng mga eksperto ang mga buntis na magpabakuna ng booster dose ng COVID-19 vaccine.
Ito ay ayon kay Dr. Maria Lorena Santos, Fellow ng Philippine Infectious Diseases Society for Obstetrics and Gynecology na malaking benepisyo ito sa mga sanggol na dinadala ng mga buntis.
Binigyang diin din ni Dr. Santos na ligtas ang pagbabakuna sa mga buntis kontra COVID-19.
Aniya, mas mababa ang tyansa na makaranas ng matinding sintomas ng virus ang mga nakakumpleto na ng bakuna.