Hinimok naman ng mga doktor ang mga buntis na magpabakuna kontra COVID-19.
Ito ay para maiwasan ang pagkakaospital ng nasabing grupo dahil sa sakit kasama na rin ang iba pang karamdaman.
Ayon kay philippine obstetrical and Gynecological Society President Doctor Christia Padolina, wala mang kasiguraduhan na hindi nagkaka-COVID-19 ang mga ito. Mapoprotektahan naman sila nito sa pagkakaospital.
Hindi rin umano sapilitan ang ang pagbabakuna at hindi rin nila gagawing requirement sa mga ospital na bakunado ang mga buntis bago manganak.
Ayon pa kay Padolina, likas na mahina ang immune system ng mga buntis kaya mapanganib na sila ay tamaan ng COVID-19. —sa panulat ni Rex Espiritu