Dumarami ang mga buntis na nagpopositibo sa COVID-19
Ito, ayon kay Dr. Carmela madrigal dy, dating pangulo Ng Philippine Society of Maternal and Fetal Medicine, kung saan karamihan aniya sa mga ito ay asymptomatic.
Gayunman, hindi aniya makakaapekto sa sanggol ang COVID-19 infection, at ang mga inang nakarekober sa sakit ay makakapagpasa ng antibodies sa kanyang sanggol.
Sinabi naman ni Dr. Sybil Bravo, presidente ng Philippine Infectious Disease Society in Obstetrics and Gynecology, na ang mga infants na nakatatanggap ng antibodies mula sa mga bakunadong ina sa pamamagitan ng breastfeeding ay maaaring magresulta ng hanggang anim na buwang proteksyon.
Kaugnay nito, hinikayat ni Bravo ang mga buntis na magpabakuna na laban sa COVID-19 at magpa-booster shots.
Sinabi pa nito na ang mga babaeng hindi pa nababakunahan ay may mataas na tyansa na magkaroon ng miscarriage sakaling sila ay tamaan ng COVID-19.