Binalaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga bus companies na hindi magpapatupad ng fixed salary sa kanilang mga empleyadong drivers at konduktor.
Ang babala ay ipinalabas ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa harap ng pagpapatupad ng batas sa nagtatapos sa boundary o commission system sa mga bus drivers at konduktor.
Ayon kay Bello, simula sa Marso 9 ay maituturing nang mga regular na empleyado ang mga bus drivers at konduktor.
Ibig sabihin nito, ibabatay na sa minimum wage at probisyon sa overtime ang pag-kuwenta ng kanilang sahod.
Sinabi ni Bello na nakapaloob rin dito ang security of tenure para sa mga bus drivers at mga konduktor.
Kaugnay nito, nakatakdang pulungin ni Bello sa March 14 ang mga bus companies, drivers, mga konduktor kasama na ang mga taga-Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
—-