Papayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bumiyahe ang mahigit 600 bus gamit ang special permit.
Isa ito sa mga hakbang ng LTFRB upang tugunan ang kakulangan sa mga bus patungong probinsya ngayong mag-pa-pasko.
Tatagal ang special permit hanggang Enero 15 upang may masakyan pa ang mga pasaherong pabalik naman ng Metro Manila.
Sa datos ng ahensya, umabot na sa 734 bus unit ang nag-apply ng special permit pero 639 lamang ang nabigyan. —sa panulat ni Jenn Patrolla