Nilinaw ni Dave de Castro, Tagapagsalita ng Manila International Airport (MIA) na hindi sila magdadagdag ng ruta ng bus.
Ayon kay de Castro, pipili lamang sila ng ilang bus na maaari na maghatid at magsakay ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Sinabi din ni de Castro na maliban sa pagpayag sa ilang bus na makaabot sa NAIA Terminal 3, kanila na din pag-aaralan ang paglalagay ng walk way mula sa terminal, pabababa sa Andrews Avenue.
“Hindi po tayo technically magdadagdag ng mas maraming bus, ‘yung gagamitin lang po nating bus ay ‘yung may normal route coming into NAIA, 55 will be diverted so from NAIA road, papasok na siya ng domestic all the way to Circulo del Mundo.” Pahayag ni de Castro.
By Katrina Valle | Karambola