Mahigit 200 bus ang papayagang mag-operate sa mga bagong ruta sa ilalim nang pag-iral ng community quarantine.
Ipinabatid ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Goddess Hope Libiran na ang 220 bus units ay ide-deploy sa mga bagong ruta.
Kabilang dito ang Monumento pa Balagtas, Bulacan na nasa 116 bus units EDSA, Quezon Avenue pa Montalban, Rizal – 30 bus units at 74 bus units sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) – Ninoy Aquino International Airport (NAIA) loop.
Ang dagdag na mga bus ay para matulungan ang mga pasaherong nahihirapang sumakay dahil sa limitadong public transportation.