Maglalaan lamang ng single bus route sa Edsa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa oras na alisin na ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Inihayag pa ng LTFRB na sa 96 na bus routes sa Metro Manila, kasama na ang mga dumadaan sa Edsa, 29 lamang na bus routes binigyan ng ispesyal na prangkisa.
Ayon kay LTFRB chair Martin Delgra nais nilang gamitin ang sitwasyon ngayon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) health crisis para maisaayos din ang lahat ng land based transportation system.