Ikinukunsidera na rin ng mga grupo ng mga bus at UV express operators ang paghahain ng petisyon para sa fare increase bunsod na rin ng tumataas na operational cost, partikular ng presyo ng krudo.
Kinumpirma ni UV Express Alliance of the Philippines Secretary General George Jalandoni pinalutang nila ang ideya na humiling ng dagdag-pasahe matapos makipag-usap sa mga jeepney group.
Naniniwala si Jalandoni mayroon namang balidong rason ang kanilang grupo upang magtaas ng pasahe.
Ito’y kahit pinagbigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board noon lamang mayo ang dagdag 50 centavos sa kada kilometero.
Pinag-aaralan na rin ng mga grupo ngmga provincial at city bus operator ang fare hike petition, dahil na rin sa kahalintulad na rason ng mga uv express drivers’ group.
Magpupulong naman ang mga nabanggit na grupo sa susunod na linggo upang isapinal ang kanilang desisyon kung hihirit o hindi ng dagdag pasahe.