Sinisikap ng lokal ng pamahalaan ng Tagaytay na buksan na ang mga business establishments sa darating na weekend ilang araw matapos ang pagalburoto ng bulkang Taal.
Ayon sa naturang LGU, maraming mga turista ang pumupunta sa lugar para masaksihan ang mga aktibidad ng bulkan.
Nagbigay na rin ng impormasyon ang mga otoridad sa mga residente hinggil sa kanilang mungkahi na pagbubukas muli ng mga karaniwang pinupuntahan ng mga turista.
Samantala, hindi naman sumang ayon ang Department of Tourism (DOT) sa muling pagbubukas.
Anila, delikado pa para sa mga turista ang lugar lalo na’t kasalukuyan pa ring nakataas sa Alert Level 4 ang bulkang Taal.