Suspendido ngayong Biyernes, ika-16 ng Abril ang mga byahe patungo sa Visayas at Mindanao kasama ang mga bangkang pangisda dahil sa typhoon Bising.
Sa inilabas na advisory ng Department of Transportation (DOTr), epektibo ang naturang suspensyon simula tanghali dahil sa kahilingan ng Office of Civil Defense sa Bicol Region at siyang inaprubahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Nagbigay rin ng abiso ang DOTr sa mga trucking at logistics na mga kompanya na pansamanlatang ipagpaliban muna ang mga byahe sa mga apektadong lugar.
Magugunitang lumakas pa ang Bising at ganap na naging Typhoon matapos pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).