Fully booked na ang ilang biyahe ng mga bus pa-norte sa mga terminal sa EDSA Cubao.
Kabilang dito ang biyahe ng mga bus ng Victory Liner patungong Baguio ng Oktubre 31 hanggang Nobyembre 1.
Ayon kay Girly Jalova, terminal clerk ng Victory Liner sa Cubao, nagbukas na sila ng extra trips ng late night ng October 31 hanggang madaling araw ng November 1 para mabigyan ng pagkakataon ang iba pang biyahero.
Habang marami pa aniyang available na biyahe pa-Baguio City sa October 30 gayundin ang biyahe ng kanilang mga bus patungong Olongapo at Iba, Zambales.
Fully booked na rin ang lahat ng biyahe ng mga bus ng Five Star patungong Pangasinan, Tuguegarao at Cabanatuan sa October 31.
Gayunman, sinabi ni booking clerk Michelle Llaneta, may mga availbale pa ring biyahe ng kanilang bus mula October 26 hanggang October 30 at November 1.
Wala na ring available na biyahe patungong Baguio City ang Jac Liner mula October 30 hanggang November 1.
Halos mapupuno na rin ang mga upuan ng kanilang mga bus na biyahe namang Marinduque.
Samantala, sa kasalukuyan nananatili namang isa hanggang tatlong oras ang interval ng dating at alis ng mga bus sa mga terminal. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)