Kinakailangang sumailalim sa 7-day quarantine ang mga byaherong fully vaccinated na kontra COVID-19 na papasok ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mahigpit na babantayan ng bureau of quarantine kung mayroong makikitang sintomas sa mga byahero habang sila ay nasa sumasailalim sa pitong araw na quarantine.
Sakaling kakitaan ng sintomas ang mga ito, agad na magsasagawa ng RT-PCR test upang matukoy kung ito ay magpopositibo sa virus o hindi.
Sinabi ni Roque na kailangang iprisinta ng isang byahero ang kaniyang vaccination card bilang katunayan na siya ay full vaccinated na.