Posibleng maapektuhan ang libu-libong trabaho sa call center industry kung matutuloy ang isinusulong na tax reform program ng administrasyong Duterte.
Ayon sa grupong Contact Center Association of the Philippines, hindi malayong lumipat na ang ilang BPO o Business Process Outsourcing companies sa ibang bansa kapag nabawasan ang mga tax incentives na kasalukuyang tinatamasa nito.
Binibigyan kasi ng gobyerno ang mga foreign investor ng tax holiday at value added tax exemption para maakit ang mga ito na mag-negosyo sa bansa.
Ngunit pinangangambahang mawawala ito sa oras na maisabatas na ang tax reform.
Tinatayang nasa isang milyong Pilipino ang nagtatrabaho sa BPO industry na pangunahing pinagkukunan ng dolyar na nakatutulong para tumatag ang piso.
By Rianne Briones