Balik operasyon na ang mga casino sa Macau matapos ang dalawang linggong suspensiyon ng mga aktibidad doon dahil sa COVID-19.
Ayon sa gobyerno ng Macau, mayroong 30 araw ang mga casino operators para magbalik sa full business.
Sa kabila ng abiso, nagpaalala pa rin ang mga otoridad ng ibayong pag-iingat at manatili pa ring bigilante sa gitna ng paglaganap ng bagong strain ng coronavirus.
Una nang nagpatupad sa suspensiyon sa gaming operations sa world’s gambling hub matapos na makapagtala dito ng mga kaso ng COVID-19 noong february 5.
Tanging 10 kaso lamang ng COVID-19 ang naitala sa macau at hindi na ito nadagdagan pa.