Siniguro ng Public Safety Command Center o PSCC na maayos o well-functioned ang mga CCTV ng lungsod na nakakabit sa iba-ibang bahagi ng lungsod para sa seguridad ng pagdating ni Japan Prime Minister Shinzo Abe.
Ayon kay Retired Gen. Benito de Leon ang pinuno ng PSCC na siniguro ng kanilang ahensya na ilan sa mga least priority areas ay nalagyan na o nakabitan na ng mga CCTV lalo na sa mga lugar na dadaanan ng prime minister.
Nakipagcoordinate na rin umano sila sa ibang security forces gaya ng PNP, AFP, traffic group, maging ng Presidential Security Group.
Daan-daang pulis ang ideneploy na sa iba-ibang bahagi ng lungsod at naka-standby na upang magbantay sa pamamalagi ni Prime Minister Abe dito sa Davao para sa kanyang 2-day visit hanggang bukas, Biyernes.
By Jandi Esteban (Home Radio News FM Davao)