Umapela ang mga Cebuano sa Malakanyang na ideklarang holiday ang araw ng libing ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal.
Ayon kay Presidential Assistant for the Visayas Michael Dino, ito ay upang bigyan ng panahon ang mga Cebuano para sa pagpapakita ng kanilang huling respeto sa yumaong Obispo.
Tinukoy ni Dino na ang naturang kahilingan ay ipinaabot sa kanya ng mga lokal na pamahalaan at mga mananampalataya sa buong Cebu.
Pinag-aaralan na umano ng Office of the Executive Secretary ang naturang request at umaasa si Dino at ang buong Cebu sa positibong tugon ng Malakanyang.