Iginiit ni Senate President Vicente Sotto III ang paglalabas din ng pangalan ng mga celebrities na nasasangkot umano sa iligal na droga.
Ito ay matapos na isapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng mga pulitikong kabilang sa narco-list.
Ayon kay Sotto, mas maiging pangalanan na rin ang celebrities na parokyano ng mga drug pushers.
Aniya, maituturing na balido ang impormasyon kung manggaling ito mismo sa mga drug pusher.
Magugunitang, inihayag ni PDEA Special Enforcement Service Director Levi Ortiz na nakita nila ang pangalan ng isang lalaki at babaeng celebrity sa cellphone ng hinihinalang party drug supplier na si Steve John Pasion na napatay naman sa isang buy bust operations sa Manila noong Lunes.
—-