Hindi naitago ni Senate Committee on Justice and Human Rights Chair Leila de Lima ang kaniyang galit at pagkadismaya
Ito’y makaraang ibunyag ng Senadora sa pagdinig ng senate committee on public order and dangerous drugs na naka-wire tapped ang kaniyang mga cellphone bunsod ng pagkakaugnay umano niya sa iligal na droga
Tanong ng Senadora, itinuturing ba siyang terorista o protektor ng mga sindikato ng droga kaya’t minamanmanan ang kaniyang mga tawag o text
“Ayaw ko ho sanang tanungin ito, ayaw ko sanang iraise ito kasi syempre hindi naman siguro pagkakaila, ako may nakapagsabi na sa akin na matagal nang naka tap ang aking cellphone di ho ba, so what legitimate purpose is being served kung ganon terrorist po ba ako, o dahil yung sinasabi ng iba na cuddler ako yun ho ba ang purpose kung bakit tina tap ang mga celpphone ko ngayon”
Kasunod nito, nanindigan ang Senadora na wala siyang nilalabag na anumang batas ng bansa at lalong wala siyang nilalabag na karapatan ng ibang tao
“Granting, itong pinaka suspetsa ko kasi ibang tao lang naman ang nagsasabi sa akin na yung mga cellphones mo, matagal nang tap yan, but my attitude always is I don’t care, why should I care about that na I don’t care pwede nilang pakinggan lahat ng mga yan anyway im not the one violating the law im n ot the one violating the rights of others, that is always my attitude kaya tinatawanan ko lang ang mga ganong advice.”bahagi ng pahayag ni Senadora Leila de Lima.
By: Jaymark Dagala / (Reporter No. 19) Cely Bueno